Thursday, June 14, 2012

Sa Aking Paglisan

0

Sa araw na akoy lumisan, nais ko sanang hindi na patagalin pa ang aking mga huling araw sa mundong ibabaw na isang malamig na nilalang lamang. Nais ko ring ang aking mga mahal sa buhay' hindi na masaktan pa sa mga iilang oras na ako'y masilayan na wala nang ngiting bumabahid sa aking mga labi at mga matang pumupungay sa kanilang kiliti.

Alam kong tayo ay hahanggan rin doon ang ating paroroonan, walang kawala, walang masisisi at walang may walang hangganan. Iba iba man ang pamamaraan nang ating paglisan, wala man ding kasiguruhan at walang may nakakakaalam kung ano ang sa ati'y may maghihintay.

Nariyan ang tayo'y totoong may maiiwanan, may taong masasaktan, may taong sa huling araw nati'y saka pa lamang mamamalayan na tayo ay kanilang dapat nabigyan ng halaga.

May mga panahong ako'y hindi napapansin, wari ko'y minsan isa lamang akong anino na dinadaan daanan nang ninuman; o dili kaya'y wala lang talaga. Nariyan ang kahit na ika'y pagod at sadyang bagsak na ang iyong katawan wala man lang nakakaalalang magbigay sayo nang kahit kakarampot na kaligayahan, yun bang simpleng mapaghandaan ka sana, simpleng sorpresa, yun bang sandaling ika'y parang lulutang sa kaligayahan na wari mo'y wala kang mapagsisisihan sa huli.

Nakakapagod na rin ang manilbihan sa taong wala rin namang pakialam sa'yo, yun bang, para kang lapis na buong buhay' mo'y ginamit, tinasa, ginamit, tinasa.. at nang maubos na'y itatapon kana lamang.

Mahirap yung ikaw lang ang gagawa nang paraan para sila'y lumigaya, dahil nga sa susunod inaakala mong sila'y sasaglit na maghahatid sa'yo nang kaligayahan, kahit sandali lang. Pero ako'y wala namang pinagsisisihan na sa kaligayahang aking hatid, matatamis na ngiting sa kanila'y bumabahid. Yung nga lang hindi ako aasaha na minsan ako'y mapapangiti nang walang dahilan.

Darating na ang oras ko, at ako'y lilisan na.. at sa aking paglisan isang gabi lang na ako'y mapagsilbihan. Aba.. alam kong darating ang aking mga kakilala't mga hindi masyadong kaibigan, ngunit hindi ko hahayaang ako'y kanilang masilayan.. Masiyahin ako sa kanilang harapan, ayaw kong ako'y walang buhay na kanilang masilayan, ayoko nun. Tanging ang malapit kong kamag-anak hanggang sa kapatid at magulang lamang, ang sa ki'y nais kong makakita, bilang paggalang sa aking mga kamag anak na buong buhay ko'ng inspirasyon, ang huling araw ko'y sa kanila'y hindi ko ipagkakait.

Sa aking mga kaibigan, pagpasensyahan nyo ang aking kahilingan, bilang isang masiyahing kaibigan ako'y nahihiyang humarap na walang buhay, dahil ako sa inyo'y masiyahin, galak at maligalig.. hindi tahimik, malamig at malungkot.. Ngunit upang sa huli nating pagsasama sama, maging ako ma'y maging isang tahimik at malungkot na katawan lamang, kung tunay ngang sa aking paglisa'y kaluluwa ko ay nariyan lamang.. sasamahan ko man din kayo, huwag lang may malulungkot.. nais ko'y nigti pa rin ang babahid sa inyong mga labi.. kaya't nais ko ring ang ang paligid'y habang akoy tahimik na natutulog sa iisang kartong sarado't mahimaly sa gabing iyo'y mga larawan kong puno nang buhay at kasiyahan ang sa inyo'y magpapangiti.

Salamat sa mga sandaling tayo'y nagsama't naging maliligaya. Pagpasensyahan nyo na't ako'y lilisan na...

No Response to "Sa Aking Paglisan"

Post a Comment